Kakalog in ko lang sa avaya phone ko.
Nasulyapan ko ang taong nakakapagpatibok ng puso ko.
Wala siya sa pwesto niya na parati na na pinupwestuhan. Nalungkot ako pero nakita ko pala siya nasa kabila siya. Napangiti ako sa sarili ko at sinabi ko sa sarili ko. OK na ako. Kumpleto na araw ako at Im sure magiging productive ako sa araw na to.
Iniisip ko sa mga oras na yun. Parang palayo na ng palayo siya sa akin. palabo ng palabo ang pag asang makilala ko siya. Naiilang narin kasi ako. It seems im having my problem sa sarili ko narin. OK na rin to. Masaya naman ako kahit papano na makita ko siya.
AVAIL !!!! walang pumapasok na call.
At nakita ko nalang ang sarili ko sa notepad na nagsusulat ng diko maintindihan na mga pangungusap. Ito ay nanggaling sa puso. PWAMIS ayaw maniwala!!
at ito yun!!
Pag umibig ka lahat ay perpekto
napapangiti ka sa kabila ng kalungkutan
napapatawa ka sa kabila ng pighati
nabubuhay sa sa pantasya
kung saan lahat ay makukuha
Isang naramdaman na di mo maipaliwanag
kabaliwan na ba ito kung tinatawag
tulad ngayon napasulat ako ng tula
na imprumto at bigla bigla
dahil ang puso koy puno ng tuwa
Pero pano pagnasaktan ka
pipiliin mo pa din ba na matulog na kasama siya
o magising sa katutuhan mula sa pantasya
mahirap masaktan pero dapat paghandaan
lalo pat ang luha at lumalabas lang minsanan
RINGGGGGGGG
WOW
GULAT
may pumasok na call
Thank you for calling********* how me i help you?
nagising ako!!
At napangiti ako at nakabuo ako ng tula sa loob ng 3 minuto na walang pumasok na tawag
Productive ba o sadyang inspired lang!! Ewan. Para sa taong Nagpatibok!!
Wala lang stayfoot Ka lang!!
Sana wag mo to mabasa dahil nakakahiya ako!!
0 :
Post a Comment
WHAT IS YOUR PERCEPTION TOWARDS MY POST? TRY TO VOICE OUT YOUR COMMENTS