Disqus for VOYEUR'S VISION

Advertisement by Google:

Tuesday, January 31, 2012

MODUS OPERANDI SA BUS (Metro Manila)

👨‍💻
While Im Checking My Facebook account Someone Shared me this Story!!

Beware!!

AKALA KO AKO LANG!...UN PALA MERON PANG IBA NA NABIBIKTIMA NG GANITONG SISTEMA...PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG PUPUNTAHAN MO...kawawa ka naman....maglalakad ka...(based on my own experience sa isang aircon bus....)

Last september 6, 2007, 4pm, ako ay sumakay ng bus sa cubao papuntang Robinsons Galleria. Dahil wala akong barya, P100 ang binigay ko sa kundoktor. Binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung P100 na binayad ko sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P. Tuazon (near araneta center)...pinaalala ko uli ung sukli ko sa konduktor...tinanong nya ako, "san ka nga uli baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria lang!"......."malayo ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor.

So, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang kundoktor...(luminga-linga lang) parang deadma ba?....

Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight)...tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli ko...

eto ang sabi nya sa'kin..."PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,... sabay inabot ko...

sabi ng kundoktor..."Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.... TARANTADO KA PALA EH... medyo mag init ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..TARANTADO KA RIN!!!...KANINA KO PA SINASABI NA ...UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO...

dun na kami nagkasagutan....at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na ...."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA 'SAN DAANG PISO eH...TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!..

tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya....

eto ang sabi nung driver.... 'ABA..PARE...HINDI KO ALAM YAN...BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO...(sa pagkakataong ito...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... ung kondukto,.,,ung driver at ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...

Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko ung driver na...baba na ako. ..sabi ko..."BUKSAN MO YUNG PINTO...BABABA NA AKO..LALAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)...SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO...(sa pagkakataong ito, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)

Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station) ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila...

So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....

Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm...pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)... May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor at driver....na hindi rin binibigay ung sukli. Sya daw ay galing sa may Timog ....sya ay bababa sa Boni....

Naalala ko ung nangyari sa'kin ....nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na ...

"MISS...MISS...SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA KUNDOKTOR...KITANG KITANG KO"....

Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee Boni"...nang biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na matulin ung bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)....Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong-pareho ng ginawa dun sa babae...

Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningnan ko ung driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor....Magkaka-kilala pala sila....at nagtatawanan pa...

Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari...

pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN....may "MAMA" na bumati sa akin...sabi nya..."PARE, KALA KO KANINA...TUTULUNGAN MO UNG BABAE...un hindi sinuklian?... "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT NUNG KONDUKTOR....UNG ISA...HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD MO....KAYA AKO...LUMIPAT DIN AKO ...KASI TWO YEARS AGO...NAKA EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK... SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO...KAWAWA NAMAN...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO NG BUS...PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD...

so samakatuwid...hindi lang pala holdaper at snatcher ang titingan mo sa bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na tayo...????

Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....Paki pasa na lang po...baka makatulong kahit konti.

Salamat po. - Yotomi(PEX)

Nan Bugtai is the sender

Monday, January 30, 2012

Sindh, Pakistan : Flood Effect

👨‍💻
An unexpected side effect of the 2010 flooding in parts of Sindh, Pakistan, was that millions of spiders climbed up into the trees to escape the rising flood waters; because of the scale of the flooding and the fact that the water took so long to recede, many trees became cocooned in spiderwebs. People in the area had never seen this phenomenon before. (Courtesy: National Geographic)

Saturday, January 28, 2012

Jamich : The Pinas Youtube Loveteam Sensation?

👨‍💻

Alam una ko to nakita sa FB kumalat na parang virus, isa sa mga kinagigiliwan na love team

Infairness naman dit sa love team nato may chemistry, At alam mo talagang mamahalin talaga ng masa. Nako how I wish na mainterview ko tong love team na to at magkaroon ng isa man lang sa JAcket nila. HUHUH

I really admired this couple, RAGS TO RICHES ang drama pero look!! naman Halos naaadik sa kanila ang mga tao. PATI ako, sa katunayan na blog ko kau? LOL

MOREOVER, ang talented nyo, walang panama sa inyo ang mga love team na puro twitttttttttamz ang drama pero kau talaga naman!!

Hanga ako sa inyo guys!! SAna Makarating sa inyo ang pasasalamat ko dahil sa inyo nagising na naman ako sa katutuhanan na dapat MAGMAHAL!! GOGO!!

I LOVE YOU JAMICH!!


Friday, January 27, 2012

The Worst Thing Being a Filipino: Binondo Scandal

👨‍💻
Panoorin at ikahiya ang pagiging Pilipino. Juan Dela Cruz!! Makakabangon ka pa?


magalit na ang magalit Opinion ko to!!


This is the full Video


Natatakpan ng masasamang gawain ng mga pinoy ang mga tagumpay ng iilan nating mga kababayan na nag uwi ng karangalan.

Tandaan natin na ang isangdaang kabutihan ay madaling madungisan ng isa lamang kamalian.

At sa Pang yayaring ito, Hiyang hiya ako sa aking pagkatao.Ni parang nakakahiyang humarap sa mga banyaga. Ganito ba ang lahing pinoy? nakakainis Sobra. Sorry ha !! Pero gusto ko lang ilabas ang opinion ko sa pangyayareng ito.


Susme naman. Juan Dela Cruz!! dahil sa ginawa nyong kalokohan kailangan pang magpagal ng iba nating kababayan para makabawi sa dumi na inyong pinaggagawa.

Pano kaya natin linisin ang pangalan natin?Ask mo kaya si Manny Paquiao ? Makakasagot pa kaya siya. Willing pa kaya siyang magpabugbug at ipanalo ang laban para malinis ang karangalan na pinaghirapan ng mga lahi ni RIZAL!!

Tuesday, January 17, 2012

Minsan natakot ka bang magmahal?

👨‍💻


videokeman mp3


Bawat isa sa atin ay nagmamahal pwedeng sa kaibigan, sa pamilya at lalo na sa taong mahalaga sa iyo Kadalasan adaling sabihin na Mahal Kita. pero ang tunay na pagmamahal ba ay nag antay ng kapalit?

Mahal kita kasi...........Ayt may dahilan. Mahal Kita kung...........Naks may kapalit. Mahal kita kaso....Wapak nakahanap ng butas. Pero naka rinig ka na ba " MAHAL KITA DIKO NGA ALAM KUNG BAKIT EH. Masarap sa Pandinig at sa pakiramdam dahil ibig sabihin nyan isang pag ibig yan na minsan lang umusbong.

Pero papano kung nakatali ka sa isang masamang nakaran? Manantili ka ba dito dahil natatakot ka na humarap at subukang magmahal dahil ayaw mo masaktan. Siguro kung naranasan ito, yan ang pinakamahirap lunasan dahil ikaw mismoang may problema sa sarili. Natatakot kang magmahal dahil ayaw mo masaktan. Naiisip mo ba na kailangan minsan masaktan pata matuto. matuto tayong mas magmahal pa dahil sa nasaktan ka at kaya namn natuto mong mahgalain at pahalagahan ang sarili mo dahil nasaktan ka.

Kahit ako ay di ligtas sa pambibiktma ng pag ibig na yan. Ang takot magmahal o dikay namn takot masaktan. Pearo tandaan natin nasaktan man tayo, Sigurado namn naliligayahan ka din naman.

Therefore, Kung ayaw mo masaktan, Pagkakaitan mo rin ba ang sarili mo na paligayahin?

Monday, January 16, 2012

Midnight Love Disturbance

👨‍💻




Nagising ako 2AM , Diko alam kung bakit? Malamang sa malamang dahil sa masamanag panaginip nga ba? Umiinum ako ng isang batong tubig at nahiga na. Pero di ako makatulog.

Biglang pumasok Siya sa aking isipan, ang taong lihim kung minahal. Corny naman ng sulat ko na ito. pero dahil sa Corny na ito napapabasa ka HAHAHA!!! 

Ayun, sumagi siya sa isipan , ang sarap niya sigurong yakapin at alagaan. Mahal ko na ata Siya o paghanga lang ang nasa salaoobin ko, Edi para kumpleto ang moment ko nagpatugtog ako ng music para maantok ako pero gising na  gising ako.

Lumabas ako para bumili ng pagkain sa madaling araw, tahimik ang kapaligiran pero di naman ako nagugutom. Kailangan ko gumawa ng paraan para maalis  siya sa isipan ko pero bigo ako. Next step kailangan maging busy, bumili ako ng sabon para makaplaba sa madaling araw, pagbalik ko wala pala akong labahan kasi natpos ko na ito kahapon pa.

SIYA !! SIYA !!!NGA!! ang ansa isipan at puso ko. Umalis ka namn jan sa isipan ko. Buti nalang may mga Tshirt ako na butas dahil sa kagat ng daga at yun ang pinagkaabalahan kung tahiin at umabot ako ng 5AM .At sa wakas maya maya ay may sisigaw na ng PANDESAL.

Pero natapos na lahat ang ginagawa ko pero nanjan parin siya, sa isipan ko at puso ko. At sa pangalawang pagkakataon ay nagsusulat na namn ako ng tula para sa kanya.


BAKIT BA ANG GULO MO? 

5:15 AM

Pinilit kung italiwas ang aking kaiisipan
Sa mga bagay bagay upang ikay iwasan
Ginugulo mo ang puso ko, alam mo ba?
diko alam pano ko to makakaya

Binago mo ang malungkot kung buhay
sa Maykapal ka at ibinigay?
inihulog ka ba sa aking harapan?
Upang pag ibig ay matutunan

Buntong hininga ang tanging aking ginawa
sa Twing kumakatok ka sa king bintana
Bintana na takot magbukas
dahil sa Msasakit na nakalipas

Di pa ako handa magmahal sabi ng utak
pero ang puso di natuto kahit nawasak 
tutolongan mo bang gamutin ang takot
at papasayahin twing akoy malungkot

Maglalaba ng walang labahin at nagsulsi
Ginawa lahat para ikay maiwaksi
Pero Bakit bakit ba ang gulo mo?
Para kang turnilyo na habang umiikot sa utak ko
bumabaon naman sa puso ko


Mahal ko na ata siya!!HAY!! Nakakabaliw, Papask na naman ako mamayang hapon at makikita ko na naman siya.  AT 5:25 AM  na NATAPOS ang tula ko para sa iyo!!

Sunday, January 15, 2012

Beware of Wazzub.com , SCAM?

👨‍💻

Today my friend texted me that she sent me and email.I was excited to check my email. And i received her email as shown below: 

So i visited the site and started to signed up, but before that i search using google the keywords wazzub.com+scam

And Guess what?

I'm going to start by showing an example of a current scam being perpetrated.

The scam Wazzub.com is not aimed at the everyday members but at the advertisers and businesses looking to gain mass exposure.

Lets start by doing a simple whois search for the domain wazzub.com it returns the following information.

Registrant:
GIT Global Investments Inc.

391 NW 179 Ave
Beaverton, Oregon 97006
United States

Registered through: GoDaddy.com, LLC (http://www.godaddy.com)
Domain Name: WAZZUB.COM
Created on: 11-Jun-11
Expires on: 11-Jun-12
Last Updated on: 11-Jun-11

Administrative Contact:
Department, Hosting service@wazzub.com
GIT Global Investments Inc.
391 NW 179 Ave
Beaverton, Oregon 97006
United States
+1.5418338222

(We should note that the domain expires around the same time as this site supposedly launches)

Next we do a search for any reports against this company

we do this by typing the name of the company +scam into the search box "GIT Global Investments Inc.+scam"

and we find there are indeed reports against this company spanning several years


lastly we look up the company registration data by again typing the company name followed by "Business registration" and there find it is reported as registered in

"GIT Global Investments Inc.business registration oregon"

and this returns further confirmation that this is indeed a scam as the registration data does not match the company profile being promoted

GIT GLOBAL INVESTMENTS INC
391 Nw 179Th Ave
Beaverton, OR 97006
Contact: CATHY L HALVERSON
Phone: Not Available

Directory Heading
PERSONAL SERVICES AND LAUNDRIES
Incorporated: 10/2011; Personal Services and Laundries, Personal services including babysitting, shopping, personal assistants, and laundry services.
Tags
babysitting, laundry, personal, sercurity services, cleaners, lock, locksmith, safes, alarm, security, investigations, safety, fire alarm, fire alarms, fire systems, investigations

You will note that the address for both the whois and the business registration is identical thereby confirming we have the same company.

So exactly what does Babysitting and home laundry have to do with running something being promtoed as bigger than google with billions spent on development ??

The answer Nothing at all it just proves the lies being spread, the bottom line is a little due dilligence can save you a ton of heartbreak and may save other people from being ruined by these criminal types

Thursday, January 12, 2012

Don't Worry : MAY PROBLEMA AKO Versus NASA SITWASYON AKO

👨‍💻
WORRIES ARE TOTALLY WASTE OF TIME, IT'S A WASTE OF EVERY SECONDS OF YOUR LIFE KEEPING YOUR SELF IN STRESSFUL LIFE.


Tulad ng nangyari sa akin, lahat naman ng tao dumadating sa downfalls, declining stage ika nga sa product life cycle pero ang nakakatuwa pa nito kung may problema ka ay nasusundan pa ito ng madami pa. Yung tipong dimo na alam pano pa ito susulosyunan. Parang unti unti kang kinakain ng ng problema.

Pero naisip mo ba na ang mabigat na problema mo pagdating sa iba ay di pala problema? Bakit may pangyayari na ganyan. isipin mo nasa tao lang pala ang pagdadala sa mga sitwasyun, kung dadalhin mo ito as negative , it will lead you to a devastating situation na di mo alam na halos mababaliw kana. Plus factor pa ang mga kasamahan mo. Hawa hawa lang yan! kung sasama ka sa mga negative , pihado pesimista ka at yan ang babagsakan mo.

Pillin ang mga kaibigan na makapapalakas, di yung tipong alam mo may problema ka, tapos ang sagot naman ng kabigan mo. OO nga ako din gusto ko na bumigay!! Bakla naman pala!! haha

Dapat sumama ka sa makapagpalakas sayo, makapagpayo sayo at siguraduhing makakautang ka after.Solve ang problema.

Pero kidding aside, Ang pagkabalisa o anxiety ay walang naidudulot na maganda, kung stressfull ang lifestyle or nature ng work mo, go with the flow. wag mong kalabanin ang stress dahil walang nananalo jan. Kaya nga may mental hospital diba? kaya nga may heart attack diba at alta presyon. Nako hayaan mo ang problema ang magsolve sa problema, problema nya nyan eh.

AVOID : MAY PROBLEMA AKO
USED : NASA SITWASYON AKO

Oh diba? iisa ang thought pero magkaiba ang approach. Parang tayo lang yan kung ang magaan ay papabigatin mo. Try mo muna ilapag. GETS. Kung di mo gets diko rin gets eh!!

Iba iba ang dahilan ng problema mayn mabibigat may magagaan. pero ang punaka bottoline wag kang makalimot na may Diyos, isipin mo rin minsan baka tinapik ka lang, baka naman ay pagsubok lang yan. Tandaan ang lahat ng pagsubok na binibigay ay lay dahilan, di mo lang alam sa ngayon kung ano. Malalaman mo din yan at ipagpasalamat mo pa sa Diyos na binigyan ka ng pagsubok na ganyan.
Tandaan parati, May Nasa itaas

Wednesday, January 11, 2012

Nagiging EMO ako habang naka Auto-in sa Avaya Phone

👨‍💻

JAN 9 , 2012 9:00 PM Manilla Time:

Kakalog in ko lang sa avaya phone ko.

Nasulyapan ko ang taong nakakapagpatibok ng puso ko.

Wala siya sa pwesto niya na parati na na pinupwestuhan. Nalungkot ako pero nakita ko pala siya nasa kabila siya. Napangiti ako sa sarili ko at sinabi ko sa sarili ko. OK na ako. Kumpleto na araw ako at Im sure magiging productive ako sa araw na to.

Iniisip ko sa mga oras na yun. Parang palayo na ng palayo siya sa akin. palabo ng palabo ang pag asang makilala ko siya. Naiilang narin kasi ako. It seems im having my problem sa sarili ko narin. OK na rin to. Masaya naman ako kahit papano na makita ko siya.

AVAIL !!!! walang pumapasok na call.

At nakita ko nalang ang sarili ko sa notepad na nagsusulat ng diko maintindihan na mga pangungusap. Ito ay nanggaling sa puso. PWAMIS ayaw maniwala!!

at ito yun!!

Pag umibig ka lahat ay perpekto 
napapangiti ka sa kabila ng kalungkutan
napapatawa ka sa kabila ng pighati
nabubuhay sa sa pantasya
kung saan lahat ay makukuha

Isang naramdaman na di mo maipaliwanag
kabaliwan na ba ito kung tinatawag
tulad ngayon napasulat ako ng tula
na imprumto at bigla bigla
dahil ang puso koy puno ng tuwa

Pero pano pagnasaktan ka
pipiliin mo pa din ba na matulog na kasama siya
o magising sa katutuhan mula sa pantasya
mahirap masaktan pero dapat paghandaan
lalo pat ang luha at lumalabas lang minsanan

RINGGGGGGGG

WOW

GULAT

may pumasok na call

Thank you for calling********* how me i help you?

nagising ako!! 

At napangiti ako at nakabuo ako ng tula sa loob ng 3 minuto na walang pumasok na tawag

Productive ba o sadyang inspired lang!! Ewan. Para sa taong Nagpatibok!!

Wala lang stayfoot Ka lang!!


Sana wag mo to mabasa dahil nakakahiya ako!! 


Tuesday, January 10, 2012

Kinausap ko ang Diyos!!

👨‍💻
Jan 10, 2012 11:30 AM

Sleeping Quarter's of My Current Company

Nagising ako kasi nawiwi ako, pumunta ako sa CR at yun nga nawiwi ako at may kasama pa yun!!

Wala lang ng bumalik ako sa higaan ko at di na ako makatulog pa. Sa bagay 6 am ako nagstart mag borlogs. ayun naisipan ko di pala ako nakapagchurch nung Sunday. parang nakaramdam ako ng kulang parang walang na impart sa akin at wala akong maibabaon sa buong linggo, I decided to get my bible na nasa bag ko at nag basa.

Kinuha ko ang Cellphone at syempre nakaheadset malamang para di makaistorbo sa iba haha!! at aun binasa ko ang God's Word with matching listening ng mga praise and worship song.

Sa wakas na kakain din ang kaluluwa ko.

MARAMING TINAWAG PERO KUNTI ANG HINIRANG

yan ang mga salitang nagrima sa buhay ko ng mabasa yan. sa book of Mateo yan!!

Grabeh parang nakamamdam ako ng guilty sabi ko. Alamm ko tinawag ako at matagal na! Isa ba ako sa hinirang? Yun ang pinapanalangin ko sa panginoon na di ako manlamig bagkus mag init sa patuloy na paglilingkod sa kanya.

Masaya ako sa araw na to!! Kumpleto ako dahil kinausap ko ang panginoon at alam ko na tutugunin nya ako!!

Lumabas ako ng sleeping quarter pumunta sa pantry at lumamon ng tanghalian at lumabas ako sa labas (malamang di sa loob!) at naisipang mag blog at isiwalat sa mundo ang kaluwalhatiian ng Diyos na ginawa nya sa araw na ito. Nakalimot man ako sa KANYA pero gumagawa siya ng paraan para paalalahanan ako!

Sa Diyos ang papuri!!

Monday, January 9, 2012

Nakakatamimi ang Pag Ibig!!

👨‍💻



Oo aminin natin!!! 

Kung ayaw mong umamin wag mo na basahin tong blog ko!! hahaha!! Oo totoo, nakakabweset nga eh, kilala ako  na palabirong tao, madaldal at maligalig kumilos. Pero bat nagiiba pag nandiyan ang taong nakakapagpasaya sayo, nagiging matino ako, seryuso at halos nagiging tahimik.

Conscious sa bawat galaw. Baka ano masabi nya at di nya ako magustuhan. Gusto mo lahat perpekto, lahat walang mali siyang makita sayo.

Nakakatamimi talaga ang Pag ibig. Ibang iba sa Paghanga. kasi kung paghanga lang. Alam mo na kahit ano mansabihin niya basta alam mo na gusto mo siya. pero pag iba na naramdaman mo sa tao, nandun na yung naillang ka sa kanya. gusto mo siya mapalapit sayo pero di mo alam papano sisimulan. Kung pabiro ba na gaya ng ugali ko, o paseryuso na simula gaya ng kusang nagyayare sa akin kapag nakikita ko siya.


Kung Seryusohin ko kaya ang simula effective kaya? What if di nya ako gusto masasaktan lang ako!!

Pano kung pabiro , at least di ako mapahiya kung di nya ako gusto diba?Pero pano kung pano kung gusto niya pala ako at di siya naniniwa;a dahil pabiro ang banat ko!!

Kasi naman !! Dapat labanan ang Pagiging torpe!! HUHU.

It seems im having a problem with my self. At mahirap talaga HUHUHU!!  Ang hirap magmahal!! Parang sakit na ang hirap gamutin.Nandyan na ang gamot ayaw pa inumin

Sunday, January 8, 2012

Pasensyoso ka Ba?

👨‍💻
Isa sa magandang katangian ang pagiging matimpiian. Ika nga mahaba ang pasensya

sa English   even-temperedor  patience

Pero bibihira lang talaga ang nagkaraoon ng gantong katangian.Ni kahit minsan ang lahat ng tao ang nagmamadali na makuha ang gusto nila.


KAILAN KAYA AKO YAYAMAN?

Ito ang parating naririnig natin sa mga taong nagmamadali kumita ng pera. Pero tandaan natin pag ang pera ay madaling makuha, maalarma kana.Di na yan tama, may mali na dyan. Ang lahat ng bagay ay pinaghihirapan bago ito makamit.

WER NA U?
Sikat na laman ng cellphone ng mga taong nagpapaantay sa isang katagpo. Naranasan mo na ba na mauubusan na ang pasensya mo sa kakaantay sa mga food chain para siputan ka ontime ng katagpo mo.
txt mo sya. Wer na u?. Sagot nya nasa buendia station na ako, nasa magallanes ka na ba? reply mo naman. OO bilisan mo.!! Pero ang katutuhanan ay naliligo pa lang ang kausap mo!!

GAANO KATAGAL PA Po?

Pila ka sa mang Inasal, tapos ang tagal ng order mo. Pupunta ka ba sa counter ng naturang kainan para magsabi: MAAM 20 min na ako nag aantay ng order ko, late na ako sa shift ko. Papa Cancel ko nalang!!
Sabay sagot ng crew ipapadala na lang po sa upuan mo ;). Babalik ka sa upuan mo at oo nga dinala na ang order mo. Paglapag sa lamesa magtataka ka. Kuya wala akong order ns soft drinks di ata akin to, sasagot ang crew. ay libre na po yan kasi po delayed po kami. WAPAK!! softdrinks vs time ito?



ANG TAGAL NAMAN NG DAY OFF KO!!

SAT at SUN ang Rest mo!! Pasok na ka naman sa Lunes. pag dating sa office!! Wow Pare ang tagal naman ng Dayoff  ko!! Wapak !! kaka pasok mo lang REST DAY NAMAN!! ang nasa UTAK na walang bahid na katamaran, hahah

ANO BA NAMAN TONG GLOBE NA TO?

Naranasan mo na ba mag register sa unlimited promo ng isang network?

Sorry your request cannot be process due to the number of user using this promo!

eh gustong gusto mo tawagan ang Crush mo na kakahingi lang ng number. Wala ka ng pag asa!!



Madami pang mga nakakapraning na scenarios na nakaka putol ng mahabang pasensya na pilit dinodugtung ng pagiging ******* wala ako maisip na word eh!! ikaw na bahala gumawa ng talinghaga na papasok sa kukuti mo?

Tuesday, January 3, 2012

Kwentong Lasing ni William M. Rodriguez

👨‍💻

Mga Kablog!! Matagal tagal na naman bago ako naka pag blog! dahil sa sobrang busy ako sa trabaho ko. Pero namimizz ko talaga ang pagsusulat ang pag post ng kung ano ano! ito na naman nag babalik ako na may dalang balita.


Nitong pasko lang umattend ako ng Christmas party sa aking publication dati nung College pa ako. Kaya aun di mawawala ang exchange gift. Pumunta ako na walang dalang gift hahaha!! kapal muks noh. pagdating dun kasali padin ako, sabi ko utang nalang. ok naman sa nabunot ko na utang nalang.  Sa madaling salita nakakuha ako ng gift HAHAHA!! at ang nakakatuwa galing pa sa mahal kong adviser na si maam dacumos.

Pag bukas ko sa nasabing regalo. Isang aklat na may pamagat na KWENTONG LASING. kaya naman na intriga ako, at binasa ang pambungad. Natanong ko tuloy sa sarili ko, mukang parang sa aking talaga to ah!!

Di ko mabasa agad dahil sa kailangan muna makipag kulitan sa mga kasama kung mga writer.

Binsa ko na sya sa bahay. Unang pahina, tawa ako ng tawa sa nasabing aklat.

Review:

nako!! maniwala kayo bumili kayo ng aklat na yan. Sobrang mawawala ang problema mo, Subok ko na sya!!

siguro mga 2 weeks ko din sya binabasa at dala dala sa work ko. chapter by chapter ang pagbasa ko ayaw kong ubusin agad baka mawalan ako ng pampantanggal ng prob. 

Sa wakas nabasa ko na din sya lahat. after two weeks !!

At least isang cut off ng sahod ko din na di ako na stress!!

Maniwala kayo bumili kau ng librong iyan, kung ayaw mo. wag ka na bumisita sa blog ko!! hahahah

Maniwala kau!! parang awa nyo na.  para sabay sabay tau na malalasing sa kwento ng aklat na yan!!

hahaha!!  

Para kay William na nagsusulat sa libro na to, Madaming salamat, nadagdagan na naman ang tambak ko na libro sa kwarto ko para sa mga alaga kung daga!!  Maraming salamat sayo at talagang madami kang napasaya. kaso nga lang mukang lugi ka!! mga kasama mo kasi sa work pinag pasapasahan ang aklat mo, mukang di ka kumita dun !! Kasalanan ko pa!! 

Pero hayaan mo na, bibili ako ng susunod na aklat mo !!

O sya baka masyado na ako humanga sau at isipin mo mahal na kita, Yuck Kadiri!! HAHAH 

para sau TWO THUMBS up