MADONA:
MAG-INA SA TABI NG DUYAN
Gaano ba kahirap ang maging nanay.
Kanyang mga anak,kamay nya nakasalalay.
Boung puso nyang inaalay ang kanyang buhay.
Pag aruga sa mga anak,walang kapantay.
Hangarin nya lamang,mapasaya kanyang anak.
Lahat gawin matupad lang ang pinapangarap.
Mapakain ng marangal at umunlad,kayat nagsikap.
Dinaranas lahat ng pagsubok at hirap.
Sa tabi ng duyan sya nakabantay.
Ramdam mo ang haplos ng kanyang kamay.
Ang kanyang ugoy at kasabay ay hele.
Sa ibay hindi mahiram o mabili.
Tingnan mo ang iyong ina, harapin mo siya.
Sukli ng pagmamahal na inalay niya.
Pasakit at pagdurusa, natangap sayo.
Barkada at pagbibisyo ang inatupag mo.
Kapakanan ang laging inaalala ng ina.
Gantihan mo naman ng kunting awa.
Hindi kana makahanap pa ng katulad nya.
Na arugahin ka hanggang sa huli niyang hininga.
Tandaan mo palagi, ang lahat na pagsisisisi.
Ang mapapasayo sa kahuli huli.
Simulan mo ngayong pagbabago sa sarili.
Sundin mo ang ina ng boung pusot walang atubili.